kwento ni tino

buksan mga palad

manipis 

na braso

puno ng latay na hindi sa pitik
kundi sa dungis 

at paghihinagpis

ako si Tino 

na sa kalsada

walang damit 

tsinelas 

gasgas

tinali lamang ng lubid

na napatid

para may mauwi

limang Piso

masuwerte na kung

maka-isang daan

at isinilid

pansit 

sa maghapon na

Ininit sa dyaryo

na hindi sa kalan

isang basong tubig 

inigib

sa kapatid ko na may ubo

di maka tayo

laging nakahiga

gabi- gabi 

tawag ang ngalan

nang nanay 

impit at iyak 

bakit pa sya namatay

kayod

maulan o 

maaraw

punas sa salamin

ni aling Nelya

na nagtitinda ng pirata

magagarang sasakyan

sa labas ng simbahan

may-ari

mga tiyan

na

sinlaki na ng likod at ng pisngi

mga walang pakialam

sa mga tulad ko

na maralita

laman  ng lansangan

o kung mabaho

mapanghe

teka muna ale

alisin mo ang telang

iyong itinakip

bago ka suminghal

abutan mo ako ng konti

sikmurang walang laman

Sabihin na natin

malaki na ang ipinagbago

ng ating pagkatao

di na tayo tinatawag 

na mga mangmang at 

walang alam

matagal-tagal na rin

nating nakamit ang kasarinlan

na tinatamasa lamang

ng iilan

huwag na muna nating

ipagyabang

ipagsigawan

tayo ay magaling

lahing kayumanggi

wala ng ipinagkaiba

sa mapuputing banyaga

na umalipin sa atin at

umaliputsa

tayo

Filipino

nilamon na nang sistema

na sing itim 

kadena na

kalawang na nakakanana

hustisya nakapiring

nag

bulag-bulagan

tikom na bibig

na di nakikinig

teka, ako si tino

ito ang aking kwento

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s